Kim: Past is past ... music video ng ‘Bawal Lumabas (The Classroom Song),’ nag-trending

May 19, 2020
Kim Chiu

Inamin ni Kim Chiu na talagang labis siyang naapektuhan ng katakut-takot na pangba-bash na natanggap niya these past few days.

Matatandaang umani ng matinding bashing at katatawanan mula sa netizens ang aktres matapos niyang magbigay ng pahayag tungkol sa ABS-CBN shutdown earlier this month kung saan ay naikumpara niya nga ito sa batas ng classroom.

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang “classroom” statement ay humarap muli si Kim sa madla sa pamamagitan ng vlog na in-upload niya sa kanyang YouTube account last Monday night.

Dito ay in-address ni Kim ang issue at may pasabog pa siya sa kanyang mga fans sa bandang huli.

“Yes, I am back, your teacher sa classroom, charot! Eme (kiyeme) lang,” nakangiting bungad ni Kim.

“Nagsara muna ako ng puso at isipan ko because of what happened, siyempre, maraming mga taong perfect, ay hindi, charot! Echos lang!” sey pa niya.

“Pero aaminin ko, hindi naman ako magla-lie to each and everyone sa inyo, I was really down the past few days as in, super-down, pinakamababa pa sa basement ng parking lot,” sabay-tawa.

Pero ang problema raw ay hindi dapat tinatambayan kaya nag-decide siya to move forward.

“Ang mga problema sa buhay, ‘yan lang ‘yung mga example na magpapatatag sa karakter natin bilang tao kasi siyempre, dito sa mundo, ang daming temptations, ang daming taong makakasakit sa ‘yo. Pero alam mo naman na ‘yung taong makakasakit sa ‘yo, it will teach you how to grow, how to be yourself,” aniya pa.

Itinigl daw niya ang social media para hindi na niya mabasa pa ang negative remarks ng mga tao.

“I chose to stay away sa cellphone ko, kahit cellphone ko, hindi ko hawak for ilang days just to keep my sanity,” she said.

Sobrang hurtful words daw ang mga natanggap niya at hindi niya inakalang masasabi raw pala ng mga tao ang ganu’n katitinding mga salita.

“’Yung mga tao, pinagtawanan ‘yung sinabi ko at ako rin, honestly, natawa na lang din ako. Sabi ko talaga, ‘shucks, di ko naintindihan din pala ‘yung sinabi ko, no, kaya hindi ako binoto ng mga kaklase ko nun’g pag ako ‘yung pinagde-debate nila,” natatawa niyang sabi.

Pero at least daw ay maraming natawa sa mga sinabi niya kaya past is past at gusto raw niyang i-turn ang negative into positive.

Sa video ay pinasalamatan din ni Kim ang friends and supporters niya na nandiyan at the lowest point of her life.

Pero may open letter from netizen na labis niyang ikina-touch at talagang nagbigay sa kanya ng encouragement kaya naman sobran thankful siya sa taong ito na hindi niya kilala.

Hinanap niya ang netizen na nagngangalang Adrian at inimbita rin sa kanyang vlog para makausap at personal na makapagpasalamat.

Inimbitahan din niya sa nasabing vlog si DJ Squammy Beats na lumikha ng mga video (na nag-viral) gamit ang kanyang classroom statement at nilapatan ng beat.

Dahil dito ay naisip ng Star Music na gawin nang full song ang classroom statement ni Kim sa tulong ni Adrian at DJ Squammy.

Sa bandang dulo ng vlog ay mapapanood ang music video ng full version ng kantang “Bawal Lumabas (The Classroom Song)” featuring Adrian and DJ Squammy, na ayon kay Kim, ay siya mismo ang gumawa.

Nag-viral agad ang music video at nag-trending agad si Kim sa Twitter ngayong araw.

Ang YouTube vlog naman ng aktres as of this writing ay umaabot na sa 1.2M views in less than 24 hours mula nang i-upload niya ito.

Kaya naman masayang-masaya si Kim at nagpasalamat na sa kanyang latest Instagram post.

“B𝗘𝗦𝗧 𝗚𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗘𝗩𝗘𝗥!!!!!! 💗💗💗.G𝗢𝗢𝗗 𝗠𝗢𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗠𝗔𝗧𝗘𝗦!🛎

“That feeling na nagising ka trending ka ulit, kinahaban ako. Pero nung nabasa ko, para akong nagising sa isang bangungot!!! Gusto ko pong magpasalamat sa lahat!!! ❤️.

“Things may put you down pero tayong mga pilipino hindi natin nakakalimutan tumawa sa gitna ng pinagdadaanan natin. Mahilig tayong tumambay pero hindi sa problema. Salamat sa lahat ng nagbigay inspirasyon sakin.

“Lets spread love, kindess and positivity. Good vibes lang ang pwede sa classroom! Tama? Tama!!!!” post ni Kim.