Kim pinayuhang kumuha ng bodyguard matapos ang pamamaril

March 04, 2020
Kim Chiu

MARAMI ang kumbinsido na kaso ng mistaken identity ang pamamaril kahapon, March 4, sa van na sinasakyan ni Kim Chiu.

Nangyari ang insidente sa kanto ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia Avenue habang papunta si Kim at ang kanyang mga kasama sa taping ng Love Thy Woman.

Nakahiga si Kim sa loob ng kanyang sasakyan nang pagbabarilin ito ng riding in tandem kaya hindi siya tinamaan ng mga bala at ayon ito sa driver niya na si Wilfredo Taperla.

Sa kabila ng kanyang life-threatening experience, nagpamalas si Kim ng professionalism dahil nag-report pa rin siya sa taping ng television series niya sa  ABS-CBN.

"Yes I am safe po. I’m ok and my P.A. And my driver as well,” ang Instagram post ni Kim ilang oras matapos mangyari ang kanyang nakakatakot na karanasan.

“Papa Jesus protected us. I don’t have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napag tripan?..

“This is a bad joke. 6am on my way to taping, I was asleep inside my car then I heard several gun shots, 8 to be exact.

“I was shocked and ask my driver what happened, then I saw this bullet on the windshield where my head was laying “buti nakahiga ako.”

“Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?... I was so scared, I dont know what to feel right now. Wala naman akong kaaway or kaatraso. Why me?. Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin. God protected us. Salamat po.”

Kahit tumuloy si Kim sa taping, minabuti ng production staff na papagpahingahin na lamang si Kim, ayon sa Star Magic.

Ang boyfriend ni Kim Chiu na si Xian Lim ang isa sa mga labis na nag-alala nang malaman niya ang karanasan ng kanyang girlfriend.

May mga nagpapayo kay Kim na kumuha ng bodyguard para mabigyan siya ng proteksyon, kahit mistaken identity ang nangyari na pamamaril sa kanya.

Naghatid ng pangamba sa lahat ang scary experience ni Kim dahil wala nang pinipiling oras ang mga kriminal na isinagawa ang kanilang masamang balak sa isang busy street at habang maliwanag ang paligid.