Kiray ibinunyag ang dahilan ng paglipat sa GMA mula ABS

April 04, 2019
Kiray Celis
Kiray Celis

KUNG kilala ang bagong Kapuso na si Kiray Celis (Johanna Ismael Celis in real life), 23, sa pagiging komedyana, naipakita naman niya ang kanyang talent in drama sa kanyang bagong indie movie na palabas ngayon sa mga sinehan, ang “Portrait of My Live” kung saan niya katambal for the first time si Polo Ravales mula sa direksiyon ni Poap Manansala under RJ7 Film Entertainment.  Tampok din sa nasabing pelikula si Jeffrey `Epy’ Quizon, ang mag-amang Rez at Cai Cortez, Jeffrey Santos, Amay Bisaya at iba pa.

Ang Regal Films ang unang nagbigay ng malaking break kay Kiray bilang isang lead actress nang gawin nito ang hit movie in 2015 na “Love is Blind” kung saan niya nakapareha si Derek Ramsay kasama sina Solenn Heussaff at Kean Cipriano at iba pa mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana sa ilalim ng Regal Entertainment.

Muli rin siyang  binigyan ng Regal ng isa pang lead role sa pelikulang “Love You To Death” na pinagtambalan  nila ni Enchong Dee kasama si Janice de Belen na dinirek ni Miko Livelo.

Samantala, hindi ikinakaila ni Kiray na magda-dalawang taon na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na hindi pa niya ipinapakilala sa showbiz dahil sa pagiging pribado umano nito.  Ito umano ang katuwang niya sa kanyang itinayong business nung isang taon, ang “Chicken and Fins” na matatagpuan in Mendiola, Manila.  Kapag hindi busy sa kanyang showbiz commitments si Kiray, siya’y matatagpuan sa kanilang restaurant kung saan siya tumutulong bilang cashier, naglilinis ng mesa, nagbubukas ng pintuan para sa mga customer at nagba-bus out.  Very hands-on si Kiray pagdating sa kanilang business ng kanyang boyfriend  kaya hindi puwedeng hindi magtrabaho nang mabuti ang kanyang staff dahil siya mismo ay kumikilos.

Kiray was only four years old nang siya’y sumali sa “Little Miss U” na segment noon ng dating noontime show ng ABS-CBN na “Magandang Tanghali Bayan” in 1999.

After being with ABS-CBN for nearly 19 years, si Kiray ay lumipat sa Kapuso Network nung December 20, 2018 at first project niya ang rom-com TV series na “Luv U 2” na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

“Napag-isip-isip ko na nagiging stagnant na ang career ko (sa ABS-CBN) at hindi na naggu-grow kaya naisipan ko ang lumipat sa GMA,” pahayag ng young comedienne-entrepreneur na si Kiray.