Korina at 54, naging ina ng kambal

February 22, 2019
Mar Roxas and Korina Sanchez with their twins
Mar Roxas and Korina Sanchez with their twins

MASAYA ang mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez-Roxas dahil  matapos ang halos sampung taon bilang mag-asawa ay nabi-yayaan sila hindi lamang ng isang anak kundi twins pa na isinilang sa Amerika through surrogacy sa tulong na rin ng makabagong medical science (in vitro ferlization).

Kahit nasa kasagsagan na ang kampanya ngayon ng mga senato-riable , binigyan ng former senator and Department of Interior and Local Government Secretary ng oras ang isang pinakamahalagang pagkakataon sa kanila ni Korina para maiuwi na sa Pilipinas ang kanilang kambal na anak.

Sa edad ng senador na 61 at 54 naman ang veteran award-winning TV journalist, walang mag-aakala na magkakaroon pa sila ng anak.

Although meron nang 25-year-old son (Paolo) si Sen. Mar sa dati nitong karelasyon (ang dating beauty queen at interior designer na si Maricar Zaldariaga),  gusto pa rin siyempre niyang magkaroon din sila ng sariling anak ni Korina.

Pretty soon ay ipaaalam na nila sa publiko ang mga pangalan ng mga bata.