Korina nadiskubre ang fountain of youth

August 03, 2020
Korina Sanchez-Roxas

IPINAGDIRIWANG ng Beautéderm Corporation ang ika-11 anibersaryo ito sa isang kolaborasyon kasama ang veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa pamamagitan ng isang sensational at bagong produkto – ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink.

Matapos ang halos dalawang taon ng pagsasaliksik at aktwal na testing kay Korina, tapos na sa wakas ang matagal na paghihintay. Maaari na ngayong i-reveal at ibahagi ni Korina ang isa sa kanyang mga best kept secrets na kanyang pinaniniwalaan na pinaka malapit sa Fountain Of Youth.

“Madami ang nagtatanong kung bakit mukha akong bata para sa sa aking edad. Well, K-llagen is a healthy and delicious collagen drink that I take every day,” sabi ni Korina.

Ang collagen ay siang essential supplement na dahilan kung bakit rejuvenated ang ating katawan internally at externally. Collagen preserves and promotes youth of the organs at kasama na dito ang kutis and ang buhok.

Distrubuted ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink ng RD Healthy Living Corporation na sister company ng Beautéderm. Ang FDA-Notified na produktong ito ay mayroong all-natural ingredients gaya ng sodium hyaluronate, chamomile, at pomegranate at Sakura flower extracts na dinagdag sa collagen – na lahat ay meticulously formulated upang bigyan ang atong katawan ng daily boost of energy, vitality, at youth.

“I am extremely proud to be part of this collaboration between Beautéderm and myself,” sabi ni Korina. “Sa buong staff ng Beautéderm, sa mga amazing resellers at distributors, sa aming loyal users, at sa aking mahal na kaibigan na si Rei Tan – congratulations! Honored na maging bahagi ng Beautéderm family.”

Ang Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan naman ay labi ang kaligayahan na makasama si Korina sa Beautéderm family. “I welcome Ms. K with open arms and a happy heart,” sabi ni Anicoche-Tan. “Idol ko siya. Mahal na mahal ko siya at grateful ako sa aming friendship at s akanyang tiwala. This is so exciting. The drink currently has a strawberry milkshake flavor and we will launch other flavors in the months to come. Malaking karangalan na si Ma’am Korina ang na-rerepresent sa produkto naming ito.”

“Handa na ba kayong sumigla, bumata, at gumanda? K-llagen is here and it really, really works. Cheers,” sabi ni Korina.

Para sa karagdagang impormasyon at exciting updates ukol sa K-llagen at kay Korina Sanchez-Roxas, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.