Kris balik-TV na?

June 18, 2020
Kris Aquino

BABALIK na nga kaya sa telebisyon ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino?

May apat na taon na ring wala sa telebisyon si Kris magmula nang mawala ang kanyang “Kris TV” na tumagal sa ere ng limang taon from 2011 to 2016 due to health reasons. But when she was ready to make a comeback ay wala nang time slot na available for her sa ABS-CBN dahil ibinigay na ito kina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ng “Magandang Buhay.”

“To All of you who have been patiently waiting, and also praying with & for me – malapit na po.  THANK YOU for also not giving up,” bahagi ng mahabang mensahe ng TV host-actress-entrepreneur sa kanyang IG account.

Ang hinala ng talent manager na si Lolit Solis ay may isang proyektong pagsasamahan umano nina Kris at ng Pambansang Kamao-turned senator na si Manny Pacquiao na isang talk show.