Kris ini-endorso si Bam dahil sa misis nito

April 24, 2019

SOBRANG lakas pa rin ng mga showbiz personality pagdating sa eleksyon.

Inamin ito ni Timi Aquino, ang maganda at butihing maybahay ni Senador Bam Aquino nang humarap ito sa entertainment press na inimbita ni Kris Aquino para sa isang maliit na presscon.

Ayon sa survey, naglalaro pa rin sa Magic 12 ang pangalan ni Senador Bam na tunay na makatao, mahusay na padre de pamilya, responsableng asawa at malalapit sa mahihirap nang ilarawan ni Timi. Isang dating executive na nag-resign pa sa kanyang pusisyon  sa Uniliver at Chowking para lang suportahan ang mister sa kandidatura nito.

Ang showbiz power din ang dahilan kung bakit humingi sila ng konting tulong sa pamamagitan ng pagi-endorso ng Queen of All Media. In fact, nang magpatawag si Kris sa Max's Restaurant, hinayaan muna niyang makapagsalita at magpahayag ng ilang magagandang bagay si Timi tungkol kay Bam bago pumasok sa venue. Or else, baka kaagad matuon ang pansin ng lahat kay Kris at tiyak na hindi na papansinin ang mga magagandang sasabihin ni Timi. But Timi is such a gracious lady to ignore. With her own achievements, posible rin siyang maging isang pulitiko. And it would be an honor to have a senatorial wife like her working behind a hardworking man in the Senate.

Ayon pa kay Kris, si Timi ang tunay na dahilan kung bakit niya ginagawa ang endorsement na ito. "Ako raw ang kanyang favorite cousin-in-law," pagmamalaki pa ni Timi, who've worked with Kris sa isang Chowking commercial.

By the way, bago nagpunta si Kris sa Max's  para sa naturang presscon, humingi raw muna siya ng permiso mula sa Chowking. Baka ito rin ang dahilan kung bakit hindi sila nag-serve ng chicken nang hapong 'yun.