Kris nakatakdang i-reclaim ang titulo

August 03, 2020
Kris Aquino

SIMULA August 15, Saturday at 5 p.m. to 6 p.m. ay magbabalik-telebisyon ang tinaguriang “Queen of All Media” na si Kris Aquino with a new show titled “Love Life with Kris,” independently produced by Positive Exposure Productions on TV5.  The program was supposed to have started last July 25 pero ito’y naurong to August 15.  Bukod sa pagiging host, si Kris din ang tatayong creative head ng TV program.

Kris has dominated Philippine television sa loob ng 21 taon magmula nang maging co-host ng `King of Talk’ na si Boy Abunda sa now-defunct showbiz-oriented talk show, ang “Startalk” on GMA. 

Matapos lumipat sina Kris at Boy sa ABS-CBN to host another showbiz talk program, ang “The Buzz,” nagpatuloy sa ere ang “Startalk” with various hosts  na umabot sa ere ng 20 taon at nagtapos nung 2015.

Over at ABS-CBN, nakapag-host si Kris ng iba’t ibang TV programs. Bukod sa “The Buzz,” she also hosted two game shows, ang “Pilipinas: Game Ka Na Ba?” at “Kapamilya: Deal or No Deal?”.  Ang iba pa niyang mga naging program sa Kapamilya Network ay ang “Boy and Kris” with Boy Abunda, “Morning with Kris and Korina” with Korina Sanchez, “Aquino and Abunda Tonight” with Boy Abunda, “Showbiz News Ngayon” (SNN) with Boy Abunda at ang pinakahuli ay ang “Kris TV” na tumagal sa ere ng halos limang taon at nagtapos nung April 15, 2016.

Nagkaroon din si Kris ng isang TV special nung 2017, ang “Trip ni Kris,” isang travel-themed lifestyle program which was aired on GMA line produced by APT Entertainment and produced by Rhodora `Tita Doray’ Morales.  Ang nasabing TV special ni Kris ay naging controversial nang magkaroon ng falling out sa pagitan ng producer (Tita Doray) at ni Kris mismo.

Sadly, nang mawala sa telebisyon sa Kris, unti-unti ring nawala ang napakarami niyang product endorsements na inaasahang babalik din sa kanya in due time.

Hindi rin maikakaila na may strong following pa rin si Kris at ito’y kanyang pinatunayan sa pamamagitan ng kanyang digital program at sa social media platform.

Marami namang avid followers ng ina nina Joshua at Bimby ang natutuwa na ito’y muling magbabalik sa telebisyon, ang medium where she truly belongs.