Kuwelang quarantine version ng ‘Tala,’ patok sa netizens

April 13, 2020
Sarah Geronimo

LIKAS na malikhain talaga ang mga Pinoy. Litaw na litaw ito ngayong panahon ng enhanced community quarantine sa pagkalat ng nakatutuwang bersyon ng “Tala,” ang Billboards charttopping hit ni Sarah Geronimo.

Pinamagatang “Gala,” ang nasabing parody ay sinamahan pa ng authentic dance video ng Pop Star Royalty.

Swak na swak ang bagong lyrics nito na tumatalakay sa pagnanais ng maraming Pinoy na makawala na sa umiiral na quarantine at makapag-road trip sa kung saan man nila gustong pumunta.

Isa ang TV host na si Luis Manzano sa mga nag-post ng kwelang video sa Instagram.

As of this writing ay meron na itong 127,427 views at kulang-kulang dalawang libong komento.

Pati ang asawa ni Sarah na si Matteo Guidicelli, in-upload din ang “Gala” video sa kanyang IG Story, ‘yun nga lang, naka-disable ang comment box.