Kwento ng isang model turned doctor, ilalahad ni Dingdong

July 31, 2020
Dingdong Dantes

NGAYONG Linggo, August 2, may tututukang nakamamanghang kwento ng local heroes na ibabahagi si Dingdong Dantes sa fresh episode ng award-winning infotainment show na Amazing Earth. 

May eksklusibong panayam si Dingdong sa isang commercial model na nakatrabaho pa niya noon, at ngayon ay isang doctor na at matapang na tumutulong sa mga biktima ng COVID-19. 

Alamin ang kwento ng kanilang pakikipagsapalaran sa trabaho pati na rin ang pakikipaglaban sa kinatatakutang sakit. Tutukan din kung paano ginagawa ng isang local artist ang kanyang face masks na mula sa recyclable materials.

Mapapanood si Dingdong sa bagong episode ng Amazing Earth ngayong Linggo, August 2, 5:25 PM, bago mag-24 Oras Weekend sa GMA Network.