Kyline Alcantara sulit ang bonding time kasama ang pamilya sa Bicol

April 12, 2020
Kyline Alcantara

DAHIL stop taping muna ngayon ang mga programa bunsod ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon, minabuti ng Bilangin ang Bituin sa Langit star na si Kyline Alcantara na umuwi sa kanilang probinsya sa Bicol pansamantala. Ayon sa Kapuso aktres, sa Bicol nakatira ang kanyang grandparents kaya minabuti ng kanyang pamilya na dito muna mamalagi para mabisita sila. Masaya siya dahil nagkaroon siya ng quality time kasama silang lahat, “I'm the type of kid who loves working. Hangga't sa maaari nagta-trabaho ako so ngayon lang ako talaga nagkakaroon ng time to stay with them.” Enjoy din si Kyline dahil may time siya ngayon na makipaglaro sa kanyang pet corgi na si Bumbum.