Kyline, may pa-#123DanceChallenge

April 15, 2020
Kyline Alcantara

MAY hamon ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa kanyang mga kaibigan at Sunflowers.

Matapos makatanggap ng requests mula sa fans, inilunsad ni Kyline ang #123DanceChallenge tampok ang kanyang latest single na “Isa, Dalawa, Tatlo” sa ilalim ng GMA Music.

Sa kanyang Instagram post, hinikayat niya ang lahat na sumali sa naturang dance challenge.

“You asked for it and I heard you. #123dancechallenge is now here!!! Let's get it on, guys. Tagging all my friends and my Sunflowers. Show me your ‘Isa, Dalawa, Tatlo’ dance moves. Tag me here on IG or TikTok when you post it,” ani Kyline.