Kyline sasamahan si Drew sa show

August 15, 2020
Kyline Alcantara

SI Kyline Alcantara ang guest storyteller sa fresh episode ng AHA! ngayong Linggo (August 16), 8:15 a.m. Sa nasabing episode, kikilalanin din ni AHA! host Drew Arellano ang misteryosong taong naka-maskara na naghahatid daw ng ayuda at pag-asa sa mga tao ngayong panahon ng pandemya.

Panoorin din this Sunday ang mga malikhaing artist na may kakaibang medium na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang obra gaya ng ketchup, dahon, at iba pa.

Samantala, after AHA! mapapanood naman si Doc Ferds Recio sa Anilao, Batangas, para sa isa na namang new episode ng Born to be Wild. Limang buwan matapos ipatigil ang mga activity sa nasabing sikat na dive sites sa Anilao, kumusta na nga ba ang mga residente at ang marine life dito? Si Doc Nielsen Donato naman, magbibigay ng online consultation kung paano aalagaan ang mga bayawak o monitor lizard na napapadpad sa ating mga komunidad dahil sa paghahanap ng makakain lalo na ngayong panahon ng MECQ.