L.A. in better shape, thanks to his Mom

March 06, 2020

TWENTY-year-old singer-composer, concert performer, actor and record producer LA Santos is currently in the middle of his mall tour in various SM Stores to promote his self-penned new single, “Sala sa Lamig” which he co-wrote with Paula Alcasid.  

Ang mall tour ay kanyang sinimulan kahapon, Friday sa SM Fairview sa ganap na ika-4 ng hapon.  Nakasama ni LA sa kanyang mall show si Jennifer Maravilla ng The Clash at ilang winners ng Miss Earth Philippines 2019.  Ito’y susundan sa Activity Center ng  SM Bacoor.  Naka-line up din ang ilan pa niyang dadayuhin for free shows tulad ng SM South Mall, SM North EDSA, SM San Lazaro at iba pa.

Although busy siya sa kanyang pag-aaral ng Music Production in De la Salle College of Saint Benilde, hinding-hindi mawawala ang passion ni LA sa pagkatanta, pagku-compose, pagpi-perform and most recently ay pinasok na rin niya ang pagiging record producer by putting up his own label, ang 7K Sounds.  Since may sarili na ring music production si LA, he will come up with his own set of artists under his own label.  Bukod dito ay gusto rin niyang bigyan ng attention ang kanyang acting career.

Masuwerte si LA sa pagkakaroon niya ng isang  very supportive family laluna ang kanyang ina, ang CPA-turned successful businesswoman at biyuda  na si Florita Santos.

Seeing LA now, walang mag-aakala na ito’y dumanas ng ADHD (attention deficit hyperactivity disorder) na mahigit dalawang taon din niyang nilabanan and he want to credit his mom dahil hindi ito bumitaw sa pag-aalaga  sa  kanya kahit busy ito sa maraming trabaho being a single mom to her three children.

“She’s my super mom,” ani LA.