L.A. suportado ni Imelda Papin

March 28, 2019
LA Santos
LA Santos

HINDI naging hadlang ang ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) ni L.A. Santos para maabot ang pangarap niyang tagumpay bilang recording artist/actor na tinaguriang Prince of Music.

Apat na taong gulang pa lamang si L.A. nang ma-diagnose siyang mayroong first stage ng autism. Hindi raw nagagamot 'yan. Kailangan lang maging matiyagang gumawa ng mga bagay ang may 'karamdaman' pati na ang mga taong kasama niya para makalimutan na siya’y may diperensya. Kailangan din matiyaga ang kanyang mga magulang at mga nagmamahal sa kanya para tuluyan siyang maging normal.

At sa tiyaga nga ni LA pati na ang kanyang ina na si Flor Santos, he's as normal as other guys his age. Baka nga mas normal pa sa iba. And the latest? He has recorded a revival song, "Isang Linggong Pag-ibig" by no less than Imelda Papin.

Sa presscon sa Papa Kim's, naroon si Madam Imelda para suportahan si LA. Naniniwala ang singer-politician na tunay ang talento ni L.A. para mabigyan ng kakaibang version ang kanyang awitin.

Bukod sa maganda ang timbre ng boses ni L.A., may likas din itong kaguwapuhan. Kaya naman hindi nakapagtataka kung kunin din siyang artista sa ilang projects ng ABS-CBN.

Present din sa bonggang presscon ang ilang executives ng Star Music na sina Roxy Liquigan, Jonathan Manalo at Dr. Mon del Rosario, composer ng “Isang Linggong Pag-ibig.”  

Super tuwa si Gng. Florita Santos na nabigyan ng pagkakataon ang anak na si L.A. na maging recording star ng Star Music.

Isang napakagandang halimbawa si L.A. sa mga biktima ng ADHD na hanggang ngayon ay lumalaban pa rin sa karamdamang ito.

Samantala, na-feature na rin si L.A. sa “Rated K” ni Korina Sanchez for his inspiring story.

L.A. is on his way to the top.