Lara at Marco nagkaroon ng virtual gender reveal

July 31, 2020
 Lara Quigaman, Marco Alcaraz and kids

DAHIL sa pandemya, usung-uso ngayon ang mga virtual celebrations tulad na lamang ng gender reveal at baby shower ng mag-asawang Lara Quigaman at Marco Alcaraz para sa kanilang ikatlong baby boy na nakatakdang isilang sometime September this year.

Ang mag-asawa ay may dalawa nang anak na parehong lalake, sina Noah at Tobin na excited na sa paglabas ng kanilang baby brother.

Ang 2005 Filipina Miss International na si Lara ay unang ikinasal sa actor na si Marco Alcaraz sa Canada January 1, 2011 na sinundan ng kanilang garden  wedding in Tagaytay nung  July 8,2012.

Since baby boy muli ang isisilang ni Lara, nagbiro ang dating beauty queen-turned actress na magta-try muli sila ni Marco para magkaroon ng anak na girl sa susunod.