Libel complaint ni Gretchen laban sa mga katrabaho, tuloy kahit ibinasura na

March 24, 2019
Gretchen Fullido

IBINASURA ng Office of the Prosecutor ng Quezon City ang libel complaint ng “TV Patrol’s” segment anchor na si Gretchen Fullido laban kina Ces Drilon, ang ABS-CBN veteran journalist-anchor  at Marie Lozano, entertainment news reporter ng “TV Patrol”.   Kasama rin sa nasabing complaint ni Fullido ang ABS-CBN news executive na si Venancio Borromeo.

Ngayong na-dismiss na ang kaso ni Gretchen laban kina Ces at Marie, tiyak na may lamat na ang kanilang pagiging colleagues sa bakuran ng ABS-CBN.

Samantala, may hiwalay ding kasong isinampa si Gretchen sa dating supervising producer ng “TV Patrol” na sina Cheryl Favila at segment producer na si Maricar Asprec for sexual harassment.  Si Favila ay tinanggal sa kanyang trabaho ng ABS-CBN management due to gross misconduct.

Sa kabila na ibinasura na ito ng korte, tuloy pa rin daw ang  laban, ayon kay Gretchen.

Si Gretchen ay siyang entertainment segment host ng “TV Patrol” with Kabayan Noli de Castro, Ted Failon at Bernadette Sembrado and main anchors at once-a-week radio anchor din siya ng DZMM, ang “Chismax” with Ambet Nabus as co-anchor.