The life and times of Leila Benitez

April 12, 2020
Leila Benitez
Leila Benitez with tree sons, Gerry, Gil and Marvin

MAITUTURING na `miracle baby’ ang bagong silang na pangatlong anak ng dancer-choreographer, fitness instructress, fashion designer, actress-entrepreneur na si Regine Tolentino  na si Rosie Rignee dahil matapos niya itong isilang nung nakaraang March 17 ay sobra umano  ang taas ng lagnat ng baby (39.9 degrees centigrade) at meron itong pulmonya.  Kaya na-confine ito sa Neonatal Intensive Care Unit (NACU) at kinabitan ito ng tubo sa ilong para makahinga.  Ang baby ay  namalagi sa NACU sa loob ng anim na  araw.  Ito bale ang maituturing na most challenging journey ni Regine bilang isang ina.  Pero ang magandang balita, unti-unting naka-recover si Baby Rosie hanggang ito’y makalabas na ng pagamutan kaya ganoon na lamang ang pasasalamat sa Diyos ng mag-partner na Regine at Dondi Narciso gayundin ang dalawang grown up daughters ng dancer-actress sa kanyang ex-husband, ang actor na si Lander Vera Perez na sina Reigen at Reigne, iba pang mga kaanak at malalapit na kaibigan.

On April 17 ay magwa-one-month old na si Baby Rosie na isa nang healthy  baby.

xxxxxxxxxx

KUMPLIKASYON sa coronavirus (Covid-19) ang ikinamatay ng 89-year-old “First Lady of Philippine Television,” ang radio and TV icon na si Leila Benitez na sumakabilang-buhay nung April 9 sa New York City, USA.

Si Leila ay isa sa original hosts ng dating popular noontime show na “Student Canteen”  na nagsimula sa radio in 1958  bago sa telebisyon.  Dito niya nakasama sina Eddie Ilarde at ang mga namayapa na ring sina Bobby Ledesma at Pepe Pimentel.  Bukod sa “Student Canteen,” si Leila rin ang host ng “Darigold Jamboree” at host-producer ng “The Leila Benitez Celebrity Hour” kung saan ang kanyang panel of guests ay binubuo ng political opponents.

Nasa gitna noon si Liela ng kanyang European tour to promote the Philippines nang i-deklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law nung September 21, 1972.  Sa advise ng kanyang pamilya, hindi na siya pinabalik ng Pilipinas kaya nanatili siya sa Amerika up to the time of her death.  Nakauwi lamang siya ng Pilipinas nung 50th anniversary ng ABS-CBN in 2003, matapos siyang i-provide ng dalawang first class plane tickets at first class hotel accommodation.

Si Leila ay isinilang in Quezon City sa isang may kayang pamilya ng mga diplomats at educators.  Nag-aral siya  ng high school sa College of the Holy Ghost (now College of the Holy Spirit) in Manila at sa Amerika na siya nagpatuloy ng kolehiyo.  She took-up BS Psychology sa Georgetown University in Washington, D.C. kung saan din nag-aral ng abogasya ang kanyang amang si Eulogio Benitez.  But after college ay bumalik siya ng Pilipinas upang magsimula ng kanyang karera in broadcasting.  Pero nagsimula muna siya bilang  scriptwriter nung mid-`50s sa isang radio program. Then naging station manager siya ng isang FM station and later ay naging disc jockey siya.  Dito nagsimulang mabighani ang kanyang listeners dahil sa kanyang magandang boses at pagiging articulate sa  English at karamihan ng kanyang followers ay mga kabataan na madalas pumupunta ng studio para lamang panoorin at pakinggan siya habang siya’y nagbu-broadcast.  Hindi naglaon ay pinalakihan na ang radio studio at nagkaroon na siya ng live audience participation hanggang magkaroon siya ng radio show dedicated sa mga kabataan at dito nabuo ang “Student Canteen” on radio (DZXL) kasunod ang kanyang 30-minute game show na “Darigold Jamboree” na ginanap dati sa canteen ng lumang Chronicle Building in Aduana, Intramuros, Manila. 

In 1965, nag-walk-out ang mga host ng “Student Canteen” na sina Leila, Eddie Ilarde at Bobby Ledesma over dispute with the program management. At that time ay ang mister ni Boots Anson Roa na si Pete Roa ang tumatagyong production manager ng ABS-CBN.  Ang original hosts ng “Student Canteen” ay pinalitan nina Boots Anson Roa, Ben Aniceto, Pepe Pimentel at Nelda Navarro (ina ng singer-activist na si Leah Navarro).

From ABS-CBN na sarado nung Martial Law (1972-1986) muling ni-revive nina Eddie Ilarde at Bobby Ledesma ang “Student Canteen” in 1975 sa bakuran ng GMA under their own production, ang Program Philippines, Inc. (PPI) at muling nakasama si Pepe Pimentel at idinagdag sina Helen Vela at Coney Reyes.  Since then ay nagkaroon pa ng ibang mga pagbabago ng mga co-host which include Tina Revilla, Chiqui Hollman, Malu Maglutac, Chat Silayan at iba pa hanggang sa pagsasara ng program in 1986 dahil sa pagkatalo nito sa ratings ng bagong noontime program noon na “Eat Bulaga” hosted by Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (Tito, Vic and Joey). 

Si Leila ay may tatlong anak na pawang lalaki – sina Gerry, Gil at Marvin.

Sina Gerry at Gil ay anak ni Leila sa kanyang first husband na si Gerardo `Grau’ Roces habang si Marvin ay anak naman niya sa kanyang second husband na si Mervyn Simpson.  Wala naman siyang anak sa kanyang 3rd husband (of 38 years) na si Don McCollum who died years earlier.

In the US, naging news anchor si Leila sa The Voice of America ng US Information Agency (a news program beamed in over 11 countries in Asia Pacific).  She was supposed to join CBS News bilang field reporter nang makilala naman niya ang TV businessman and executive na si Don McCullom na kanyang naging mister at nag-concentrate na siya bilang isang fulltime housewife.

Hindi man siya nagkaroon ng anak sa kanyang third husband ay ito naman ang kanyang pinakamatagal na nakasama na umabot ng 38 years.