Lihim ng Starstruck council members, nahalungkat ni Kyline

June 24, 2019

NAALIW ang maraming netizens sa pagho-host ng Kapuso star na si Kyline Alcantara sa Inside StarStruck. Very calm at relaxed daw ang StarStruck Insider kahit na kasisimula pa lang ng kanyang online show na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa YouTube channel ng programa.

At game na game pa ang StarStruck council members sa pagsagot ng intriguing questions ni Kyline sa kaniyang segment na ‘Unknown Questions’. Ang pinakamahirap daw na experience ni Jose Manalo sa showbiz ay nang mahulog siya sa mabahong kanal habang nagho-host ng 'Eat Bulaga.' Tinanong naman si Heart Evangelista kung gaano raw kahaba ang pasensya ng mister na si Chiz Escudero na walang kaabug-abog nitong sinagot na mahabang-mahaba raw!

Samantala, ibinahagi naman ni Cherie Gil na naranasan niyang mapagalitan ng batikang direktor na si Ishmael Bernal sa set ng kanilang pelikula.