Lilia Dizon pumanaw sa edad na 92

June 15, 2020
Lilia Dizon
Lilia Dizon

LIMANG araw matapos sumakabilang buhay ang movie icon na si Anita Linda nung umaga ng June 10, 2020 sa edad na 95, sumunod sa kanya ang isa pang movie legend, si Lilia Dizon, kahapon ng umaga, Lunes, June 15, 2020 sa edad na 92.

Lilia Dizon was Claire Dizon Strauss in real life.  Her late mother was a Filipina na si Regina Dizon habang ang kanyang ama ay isang American of German-Jew descent na si Abe Strauss.

Taong 1940 nang iwan sila ng kanyang ama para bumalik ng Amerika. Ayon kay Lilia, blessing in disguise kung tutuusin ang ginawa ng ama dahil kung namalagi pa ito sa Pilipinas ay maaaring napatay ito nung giyera.

Kinse anyos pa lamang noon si Lilia nang magsimula bilang singer sa Lotus Theater. Sixteen naman siya nang ma-discover para mag-artista ng writer-director na si Susana de Guzman.

Taong 1948 nang gawin ni Lilia ang kanyang unang pelikula na pinamagatang “Kaaway ng Babae”.  Other classic movies na ginawa ni Lilia include Gerry de Leon’s “Sanda Wong”.  Ginawa rin niya ang “KandilerongPilak” na nagbigay sa kanya ng Asia’s Best Actress Award in 1954.  Ang iba pang mga pelikulang ginawa ni Lilia include “Haring Kobra” with Rogelio de la Rosa, “Bathaluman” with Mario Montenegro, “Tucy Dides,” “Doce Pares,” “MagkumparengPutik,” “Ikaw ang Buhay Ko,”  at iba pa.

At age 17 ay nagpakasal siya sa actor-director na si Gil de Leon who was 33 years old then.  Ang mag-asawa ay nagkaroon ng tatlong anak – sina Pinky, Melissa at Christopher de Leon na lahat ay pumasok sa showbiz.

After 18 years of marriage, in 1966, si Lilia ay umalis patungong Amerika (Salinas, California) to join her American father with his new wife.  Tinalikuran                  ni Lilia ang showbiz at iniwan ang kanyang tatlong anak sa kanilang ama.  Iniwan din niya ang kanyang naipundar na bahay, apartment at negosyo and started a new life sa Amerika.  She was petitioned by her American father kaya nakakuha siya ng American citizenship.  She was 36 nang hiwalayan niya si Gil de Leon.

Ayon sa dating actress, ang  buhay-may asawa with direk Gil was the most difficult phase dahil kailangan umano niyang balansehin ang lahat bilang isang actress, ina at asawa ng isang overjealous husband.

Sa loob ng apat na taon ay nagtrabaho si Lilia sa isang bank sa Hawaii at pagkatapos, 18 years siyang namirmihan sa California, USA.  Doon niya nakilala ang kanyang second husband na si Antonio Abad at nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Antonette (Toni) at Corrie (Sanders).

Taong 1974 nang bumalik ng Pilipinas si Lilia at gumawa siya ng dalawang pelikula. At isa rito ang launching movie ng kanyang kaisa-isang anak na lalake na si Christopher, ang “Tinimbang Ka Ngunit Kulang” na dinirek ni Lino Brocka. 

Since nag-aaral sa California ang dalawa niyang younger daughters na sina Toni at Corrie, muli siyang bumalik sa Amerika para samahan ang mga ito.  Nauwi naman sa divorce ang relasyon nila ng kanyang second husband na si Antonio Abad.