Lipatan

January 13, 2019
Dennis Trillo & Richard Yap

Richard, walang reaksyon sa isyu ng paglayas sa ABS-CBN

... singer-actress, lilipat ng istasyon.

Hindi lang si Richard Yap ang nababalitang lilipat sa GMA-7 from ABS-CBN after May elections. Wala pang reaction si Richard nang ma-blind item ang tsikang ito na ngayon ay pinangalanan na. 

Isa ring singer/actress (SA) ang natsikang aalis sa network niya ngayon para lumipat sa kabilang network.

Para mas masaya ang hulaan, hindi namin isinulat kung saang network nakakontrata si SA at kung saang network siya lilipat.

Abangan na lang natin ang mangyayari.

Nauna nang natsikang lilipat din ng network ang isang kamag-anak ni SA, hindi lang natuloy dahil sa talent fee.

* * *

Bagay kay Dennis Trillo ang bagong gupit -- mas gumuwapo siya.

Sabi niya, kinailangan niyang magpagupit dahil sa story ng Cain at Abel, level up na ang karakter niyang si Elias.

Yumaman na siya, kaya mas maporma at big time na, kumbaga. Pati pananamit, binago at ibinagay sa pagle-level-up ng karakter niya.

Mas maaksyon na rin ang mga eksena na ikinatutuwa ng mahihilig ng action scenes.

Si Direk Toto Natividad at ang fight instructors na sina Val Iglesia at Boy Roque ang nakatoka sa action scenes at si Direk Don Michael Perez ang assigned sa drama scenes.

Ibinalita rin ni Dennis na ikinatuwa nila ni Dingdong na may collab sila sa creative team at writers. Nakikipag-meeting sila at nagsa-suggest para mas mapaganda pa
ang mga eksena.

Kaya, hindi lang sila artista sa Cain at Abel,  part din sila ng creative team.

Idol ni Dennis si Eddie Garcia at gusto niyang sundan ang mga yapak nito.

“Gusto ko sanang maging director din someday dahil iniidolo ko nga si Direk Eddie. Maaaring hindi alam ng mga batang artista, pero hindi lang siya magaling na actor, mahusay din siyang director,” sabi ni Dennis.

After Cain at Abel, magpu-focus muna sa pelikula si Dennis dahil may four scripts siyang babasahin at magpu-promote ng Mina-Anud.

Tatapusin din niya ang shooting ng On The Job2.

Mabuti na lang at sa November pa sasali sa international marathon ang GF niyang si Jennylyn Mercado, masasamahan siya ng aktor.

Hindi lang sure si Dennis kung sa Berlin marathon pa rin sasali si Jennylyn dahil na-late sa registration.

* * *

Si Amy Perez ang endorser ng Kinetic Facelift procedure ng Belo na maganda ang tagline na, “Look 35 at 49,” at ang neck area pala ang inaayos.

Sabi ni Amy: “Did you know that aside from our face, the neck area also usually shows signs of aging because of gravity and too much sun exposure? I tried the Belo Kinetic Facelift for my neck, too, and it worked wonders for me.”

Kwento ni Amy sa non-surgical treatment procedure na ginawa sa kanya, “Basically parang hangin na may dalawang serum na mabilis na ini-infuse sa skin mo para mag-tighten at mag-lift.

“The serums help in skin remodelling while the Kinetic energy helps in skin tightening. The results are instant. I was back to work the next day. I loved it. The results can last up to a year.”

* * *

Mukhang papatok sa televiewers ang bagong show ng GMA-7 na Kara Mia dahil sa maraming memes na kumakalat online.

Ang nakita pa nga naming memes ay lalaki ang gumaya kina Barbie Forteza at Mika dela Cruz bilang sina Kara at Mia.

Siyempre, hindi patatalo ang mga babae at nag-post din sila ng memes na talaga namang nakakatawa.

Ini-expect ng network na ’pag umere na ang Kara Mia sa February, darami pa ang kakalat na memes.

Nakarating na rin kina Barbie at Mika ang pagkalat ng memes online at natutuwa ang dalawang bida sa interes ng netizens.

Agree si Mika na nakakaintriga ang concept ng soap, “It also took us a while to get used to the idea. We found it quite creepy also at first but when you go deeper into the story, du’n mo maa-appreciate. It’s special, it’s unique at naniniwala akong makikita rin nila ’yun.”

Si Albert Langitan ang director ng series na may mga eksena na kinunan sa Bacolod.