Liza abala sa Pista ng Pelikulang Pilipino kahit naghahanda na sa pagbubuntis

March 27, 2019

IF there is one pet project that Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair Liza Diño is proud about ay ang pagkakatatag ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na nagsimula in August 2017 na nagbi-benefit ng mga taga-industriya.

Sa ikatlong taon ng PPP, sa halip na buwan ng Agosto, ito’y gaganapin sa buwan ng September to concide sa 100 years celebration ng Philippine Cinema.

Ang 3rd PPP ay gaganapin on September 12 – 18, 2019 with eight original never-before shown feature films as entries na ipalalabas sa mga sinehan nationwide na walang foreign films at ibang pelikulang kasabay.

Ang walong mapipiling kalahok ay tatanggap ng co-production fund from FDCP na nagkakahalaga ng P2-M each.

Mag-o-organize din umano ang FDCP ng isang gala event na may kinalaman sa centennial celebration ng Philippine Cinema kung saan 100 mga kilalang personalidad na malaki ang naiambag sa industriya ang pararangalan.

She should be commended for creating Pista ng Pelikulang Pilipino, ang legacy na kanyang maiiwan sakaling hindi na siya ang mamumuno ng FDCP.

Ang FDCP ay binuo nung June 2, 2002 at ito’y nasa ilalim ng Office of the President.

Samantala, nang makita namin si Liza sa premiere night ng “Maria” na pinagbibidahan ni Cristine Reyes sa Trinoma cinema, she shared to us na handang-handa na umano siyang magbuntis muli sa magiging unang supling nila ng kanyang partner na si Ice Seguerra sa buwan ng January 2019.  Pero sa ngayon ay naka-focus umano siya sa paghahanda sa nalalapit na PPP.