Liza may standing offer sa GMA7    

August 18, 2020
Liza Soberano

AYON sa manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz, mananatili umano ang loyalty ng kanyang alaga sa Kapamilya Network pero hindi nito ikinakaila na may standing offer sa young star ang GMA-7. Pero kapag pinayagan umano si Liza na makagawa ng proyekto sa ibang TV network na may pahintulot ang kanyang original home studio ay saka nila umano ito pag-iisipan.

Si Liza ay isa sa prime talents ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.