Liza naapektuhan ang negosyo, nag-aral na lang

August 21, 2020
Liza Soberano

MARAMING celebrity entrepreneurs ang apektado ang mga negosyo dahil sa lockdown. Kabilang dito ang 22-year-old Filipino-American actress and celebrity endorser nasi Liza Soberano.

Si Liza ay may dalawang branch ng kanyang Hope Hand and Foot Wellness Spa in Tomas Morato, Quezon City at sa Alabang.  Magmula nang magka-ECQ, huminto ang operations nila hanggang ngayon.

Bukod sa negosyo, nahinto rin ang airing ng kanilang tumatakbong primetime TV series ni Enrique Gil, ang “Make It With You” nung March 13, 2020.

Nalungkot man ang LizQuen fans dito, ang magandang balita ay may gagawin ang dalawa na bagong pelikula under Star Cinema.

Ang huling pelikula nina Liza at Enrique ay ang hit movie na “My Ex and Whys” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina in 2017 na kumita ng mahigit P400-M.

Samantala, gusto ni Liza na maging productive ang pananatili sa bahay sa pamamagitan ng pag-aaral. She’s currently taking up Psychology.