LizQuen gagawa ng pelikula pag bumaba na ang pandemya

August 10, 2020

NAIBALITA ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na may bagong pelikulang gagawin ang kanyang alaga kasama ang ka-loveteama at nobyo nitong si Enrique Gil.

Pero bago simulan ang pelikula na muling ididirek ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina ay hihintayin munang bumaba ang number ng Covid-19 positive. 

Tulad ng ibang produksiyon, sasailalim lahat ng cast, director, production staff, technical crew at ibang involved sa produksiyon ng rapid test before and after ng kanilang lock-in shoot at kung saan ay ipatutupad din ang lahat ng health protocols para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Ang magkasintahang Liza at Enrique ay huling napanood sa hit movie na “My Ex and Whys” na ipinalabas nung February 2017 at pinamahalaan ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.  Ang nasabing pelikula ay kumite sa takilya ng mahigit P400-M.

Samantala, mukhang hindi na rin itutuloy ang naputol na TV series na tinatampukan nina Liza at Enriquez, ang “Make It with You” na isa sa mga programang nasakripisyo dahil sa pagbasura ng kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN nung July 10, 2020. 

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring kasiguraduhan kung kelan magbubukas ang mga sinehan.

Kung ang iba’t ibang local film festivals ay pansamantalang nakansela muna dahil sa pandemya, isa pa ring malaking katanungan kung matutuloy ang taunang Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko, December 25.  Ipinapaliban din sa taong ito ang ika-apat na taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na proyekto ng Film Developmen Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ng chairperson na si Liza Dino.