LJ buntis sa pang-apat na anak

August 08, 2020
LJ Moreno and Jimmy Alapag
LJ Moreno and Jimmy Alapag

MASAYANG ibinahagi sa kanyang vlog ng mag-asawang LJ Moreno at retired basketball star na si Jimmy Alapag na muling nagdadalang-tao ngayon ang actress sa kanilang pang-apat na anak.

Nang malaman na siya’y buntis, agad itong ibinahagi ni LJ kay Jimmy at mga anak na sina Ian, Keona at Kalen maging sa kanilang mga kasamahan sa bahay na tuwang-tuwa sa magandang balita.  Agad namang tinawagan ni Jimmy ang parents at kapatid ni LJ maging ang  kanyang parents sa Amerika who were all excited about the good news.  

Si LJ ay pamangkin ng actress at dating politician na si Alma Moreno kung kanino niya isinunod ang kanyang screen name.

LJ is Lari Jeanne Lacsamana Ricafort-Alapag in real life.