LJ at Jimmy may double celebration

August 20, 2020
LJ Moreno and Jimmy Alapag

MAY double celebration sa buwang ito ang mag-asawang LJ Moreno (Lari Jane Lacsamana Ricafort-Alapag) at dating basketball player-turned coach na si Jimmy Alapag dahil sa pagbubuntis ng actress sa kanilang pang-apat na baby early this month at ang kanilang pagsi-celebrate ng ikalawang wedding anniversary.

Ang mag-asawa ay ikinasal in August 2010 sa Long Beach, California, USA.

Ang kanilang panganay na anak na si Ian is their adopted son habang sina Keona at Calen ay biological kids ng couple.

Masayang-masaya ang tatlong anak nina LJ at Jimmy  na muli silang magkakaroon ng baby.  Kung ang tatlo ang masusunod, gusto nilang baby girl ang ipinagbubuntis ngayon ng kanilang mom.