Love story ni Ina at Italian BF movie material

April 18, 2020
Ina Feleo and  Giacomo Gervasutti

MAGANDANG gawing pelikula ang love story ng actress na si Ina Feleo, (bunso  sa dalawang anak ng veteran actress-director na si Laurice Guillen sa yumaong actor na si Johnny Delgado) sa kanyang Italian fiancé na si Giacomo Gervasutti, at maganda siguro kung si Laurice mismo ang magdidirek nito at si Ina din mismo ang susulat.  Kasama rin dapat sa pelikula sina Laurice at nakatatandang kapatid ni Ina na si Ana Feleo  dahil kasama at witness ang mag-ina sa pagsisimula ng love story nina Ina at Giacomo.

It was in 2015 nang magbakasyon sa Europe ang mag-iinang Laurice, Ana at Ina. Part of the tour ay ang half-day tour sa Venice, Italy at nagpunta sila sa San Marco na siyang heart ng Venice kung saan makikita ang St. Mark’s Basilica, ang Doge’s Palace, the Bridge of Sighs at iba pa.  Habang  nasa San Marco, bumili ang mag-iina ng sandwich for lunch.  Naghanap sila ng bench na mauupuan.  Across the street ay nakita ng mag-iina ang isang cute dog  na parang gustong lumapit sa kanila at humingi ng pagkain.  Nagpapakain din that time si Ina ng pigeons.  Nilapitan ni Ina ang dog at sinabihan siya ng guy na may bitbit ng aso na bawal umanong magpakain ng pigeon in Venice. Yon ang naging starting point ng kanilang pag-uusap.  Tinanong din si Ina if she speaks Spanish dahil napagkamalan siyang Latina.  At sinabi naman niyang siya’y Filipina.  Ang sandaling pag-uusap nina Ina nauwi sa  imbitasyon ng guy  na dumaan sa kanyang souvenir shop.  Nang dumaan sa shop sina Laurice, Ana at Ina ay nagbigay yung guy ng isang post card kung saan isinulat niya ang kanyang e-mail address.

The Italian guy turned out to be Giacomo Gervasutti, a photographer and entrepreneur.  Nang makabalik ng Pilipinas ang mag-iinang Laurice, Ana at Ina ay nagsimulang magpalitan ng e-mail sina Ina at Giacomo hanggang sa sila’y magkatawagan at magpalitan ng text messages hanggang sa ito’y masundan sa pagbisita ng binata sa Pilipinas.

Back in Italy ay matagal nang gusto ni Giacomo na magtungo ng Palawan.  In San Vicente ay nag-renta ito ng isang beach front lot kung saan siya nagtayo ng isang Italian restaurant with a Dutch partner, ang Marina Terracea.

Alam ni Giacomo na mahihirapan si Ina na mag-settle in Italy dahil sa kanyang trabaho sa Pilipinas bilang actress kaya siya na ang nag-adjust by putting up a business in Palawan.

It was in July 17, 2019 nang mag-post si Ina sa kanyang Instagram account announcing her engagement to Giacomo na nakatakdang mangyari in January 2021.  The couple is looking at a beach wedding na malamang mangyari sa San Vicente, Palawan.

Ang love affair nina Ina at Giacomo ay isa sa maituturing na successful long distance relationship.  They met in 2015, started communicating in 2016 at nagsimulang mag-date in 2017 and got engaged in July 2019.