Lovi hanga sa shows na may “women empowerment”

July 24, 2020
Lovi Poe
Lovi Poe

NGAYONG ika-70 anibersayo ng GMA Network, ibinida ni Lovi Poe ang mga programang nagbibigay-halaga sa women empowerment.

Ilan sa mga Kapuso show na ito ang 'Super Ma'am,' 'Sahaya,' at 'Beautiful Justice'. “Dito po sa GMA, kinikilala natin ang kahalagahan nating mga kababaihan sa lipunan,” panimula niya. “Ipinapakita natin ang ating angking lakas, husay, at tatag ng loob. Hindi tayo nagpapaapi. Nagagawa natin ang ano mang ating naisip at kaya nating makipagsabayan kahit kanino man.”