Lovi may long distance birthday gift para sa boyfriend

August 15, 2020
Lovi Poe

MALAYO man sa isa’t isa, may sweet birthday greeting ang aktres na si Lovi Poe sa boyfriend na British movie producer na si Monty Blencowe noong Huwebes, August 13.

Ibinahagi ni Lovi sa kanyang Instagram ang throwback video kung saan nasa isang event ang dalawa at may countdown na nagaganap, “In 3, 2, 1... Happy...Birthday! Wish I was there with you for your birthday countdown or 'salubong' as we call it here in Manila. To many more adventures and laughter even if we look like dorks. Love you and miss you, Bubba! Happy happy birthday!”

Taong 2019 nang simulang mag-date sina Lovi at Monty at isa sa kanilang paboritong gawin ay mag-travel pero dahil sa lockdown ay kasalukuyan silang nasa long-distance relationship. 

Aminado mang nahihirapan sa kanilang sitwasyon, natutunan daw ni Lovi na importante ang communication at trust sa isang relasyon. “It's tough but at the same time…for us kasi 'yung distance makes it even more…mas lalong nakaka-miss 'di ba? He makes extra effort to make me feel special even we're far away from each other.”

Samantala, mapapanood si Lovi kasama si Boobay at ang hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa morning talk show na ‘Mars Pa More’ ngayong Lunes (August 17), 8:45AM, sa GMA Network.