Lovi miss na ang pag-arte

April 21, 2020
Lovi Poe
Lovi Poe

AMINADO ang Kapuso Premier Actress na si Lovi Poe na miss na miss na niya ang pag-arte sa harap ng kamera lalo na't higit isang buwan na siyang naka-quarantine sa bahay. Apektado ang halos lahat ng industriya sa bansa dahil sa ipinatupad na Luzon-wide lockdown pati ang trabaho ng mga artista na halos araw-araw ang taping.

Sa pansamantalang pagtigil ng shootings at tapings, inalala ni Lovi ang isa sa kaniyang mga na-udlot na proyekto, "Miss shooting and going to WORK so much... *On the set of #HindiTayoPwede -- sadly our cinema screenings got cut short, but public safety first of course. Hopefully we can show this again!" Samantala, naantala rin ang taping ng upcoming GMA Public Affairs series ni Lovi na 'Owe My Love,' kung saan makaka-tambal niya si Benjamin Alves. Kahit na malungkot, pina-alalahan naman ni Lovi ang mga fans na para ito sa ikabubuti ng lahat.