Luis malapit nang maging 40 pero di pa nag-aasawa

April 06, 2020
Luis Manzano
Luis Manzano

LUIS Manzano is turning 39 this April 21 pero up this time ay tila wala pa rin sa plano nito  pag-aasawa kahit almost four years na ang relasyon nila ng actress na si Jessy Mendiola (27).

Kung ang estranged parents lamang ni Luis ang masusunod na sina Vilma Santos at Edu Manzano,  gusto na rin nilang mag-settle down si Luis at magkaroon sila ng apo o mga apo pero hindi umano nila hawak ang puso at desisyon ng kanilang panganay.

Ayaw din ni Luis nang nagpi-pressure siya sa pagkakaroon ng sarili niyang pamilya.  He will do it at his own pace and time at hindi dahil pinu-push siya ng kanyang pamilya at ng ibang tao.

May suspetsa tuloy ang marami na kapag 40 na siya mag-aasawa which is next year na.

Kung titingnan ang  tagal ng mga naka-relasyon ni Luis, ang kanyang present girlfriend na si Jessy ang pinakamatagal dahil maga-apat na taon na rin sila.  At sa obserbasyon ng marami, mukhang si Jessy na ang `the one’ ni Luis at tuma-timing lamang ang huli sa kanyang proposal sa kasintahan.