Luis na-intimidate kay Katrina sa unang Kapuso show niya?

August 06, 2020
Luis Hontiveros
Luis Hontiveros

SA Wish Ko Lang! unang mapapanuod si Luis Hontiveros bilang isang Kapuso after niyang pumirma ng kontrata with GMA Artist Center. Humbled daw si Luis na isang programang tulad ng Wish ang unang project niya. 

Makakasama ni Luis sa fresh episode ng show ni Vicky Morales ang homegrown Kapuso actress na si Katrina Halili. Noong una’y akala raw niya ay mai-intimidate siya kay Katrina. “At first, I thought I would be intimidated pero na-realize ko after ko s’ya maka-eksena na napakagaan n’ya katrabaho at very professional.”

Ngayon ngang ganap na siyang Kapuso, looking forward si Luis na mas marami  pa siyang magawa na project sa GMA. “Ang wish ko ay mabigyan ako ng chance to be able to work with the other veteran actors, directors and to play more challenging roles,” say ng aktor.

Makakasama nina Katrina at Luis ngayong Sabado sa bagong Wish Ko Lang! episode sina Kim Rodriguez at Elijah Alejo.