Maine at Arjo nag-valentine date sa America

February 15, 2019
Arjo Atayde and Maine Mendoza

HINDI pa pala naipakikilala ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde ang kanyang rumored girlfriend na si Maine Mendoza sa kanyang parents na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez. Pero naipakilala na ito ng actor sa kanyang nakababatang kapatid na si Ria  Atayde.

Ayon sa mag-asawang Art at Sylvia, hindi umano sila nakikialam sa kanilang mga anak pagdating sa  usaping puso.  Ang mahalaga sa kanila ay masaya ang mga ito kung sino man ang kanilang napupusuan.

Ang hindi lamang nagustuhan ng mag-asawang Art at Sylvia ay nasama ang kanilang pamilya sa bashing ng fans na hindi gusto si Arjo for Maine na ang pinaka-matindi ay may kasama nang pagbabanta sa kanilang mga buhay bagay na hindi puwedeng palampasin lamang ng mag-asawa.

Kumbaga, lumagpas na sa hangganan ang bashers.

Nakabalik na last Wednesday si Arjo galing Amerika kung saan ito nag-guest sa concert ni Maja Salvador.  Lumabas sa balita na nagkaroon umano ng chance na magkita sa Amerika sina Maine at Arjo dahil nagtungo rin ng US si Maine na may kinalaman naman sa event na kanyang dinaluhang event related sa kanyang endorsement ng isang international lipstick brand.  Since magkahiwalay ang lakad nina Maine at Arjo ay in-advance na ng dalawa ang kanilang Valentine celebration sa Amerika.

Sa palagay ng marami ay mag-on na sina Maine at Arjo at hindi na lamang nasa `exclusively dating stage’ ang dalawa.

Pasasaan ba’t matatanggap din ng mga fans ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza na hindi nila kayang saklawan ang personal na buhay ng kanilang mga idolo.

Kung bukas na ang relasyon nina Maine at Arjo, hinihintay naman ng marami ang paglantad ng real girlfriend ni Alden.