Maine laging absent sa Eat Bulaga: Lilipat na?

March 25, 2019
Maine Mendoza

MARAMI ang nagtataka kung bakit matapos ang bakasyon ng Dabarkads ng “Eat Bulaga” sa Israel kamakailan lamang ay hindi pa rin nagpapakita sa programa ang (estranged) ka-loveteam ni Alden Richards na si Maine Mendoza kaya kung anu-anong espekulasyon ang naglabasan na kesyo lilipat umano sa Kapamilya Network ang phenomenal star.

Nariyan din ang balita na `suspended’ umano ito bagay na agad namang pinabulaanan ng kanyang manager na si Rams David.

Nagkataon lamang daw na maraming pinagkakaabalahan ngayon si Maine kaya madalas itong absent sa “Eat Bulaga”.

Maine has yet to announce another major milestone sa  career this year pero mas matutuwa ang Aldub Nation fans kung muling magkakaroon ng project na magkasama sina Alden at Maine who will be celebrating their 4th year as a love team in July this year pero mukhang wala ito sa plano ng dalawa sa taong ito.