Maine maganda ang influence kay Arjo

April 02, 2019
Maine Mendoza & Arjo Atayde

SA guesting ng actor na si Arjo Atayde sa “Magandang Buhay” episode last Monday, April 1 ay nakasama niya ang kanyang mga nakababatang kapatid na sina Ria, Gela at Xavi.  Ang mga kapatid niya ang nagpatotoo kung gaano ka-saya at ka-inspired ngayon ang kanilang Kuya Arjo. At ito’y dahil kay Maine Mendoza, ang napapabalitang girlfriend ngayon ng actor.

Kahit ang paternal grandma ni Arjo na nasa audience ay masaya para sa kanyang apo at humihiling sa mga tao na ibigay na ang kaligayahang ito sa kanya (Arjo).

Inamin ni Arjo na bukod sa kanyang pamilya at mga kapatid, madalas din umano siyang mag-share ng kanyang  plans kay Maine.

Mukhang maganda ang influence ng relasyon ni Arjo kay Maine dahil bukod sa maganda ang epekto nito sa kanyang pagkatao,  sunud-sunod na blessings ang dumarating sa kanya.  Bukod sa kanyang ongoing primetime TV series na “The General’s Daughter” na pinagbibidahan ni Angel Locsin, may dalawa siyang projects na siya mismo ang bida, ang digital movie na “Bagman” (sa iWant) at feature film,  “Stranded” (for Regal Entertainment), isang rom-com opposite Jessy Mendiola.