Maine magiging celebrity MYX DJ

March 16, 2020
Maine Mendoza

MATUTUWA ang fans ng phenomenal star na si Maine Mendoza dahil siya ang magiging Celebrity DJ ng music channel na MYX sa buwan ng April.

Ten years ago in 2010 nung wala pa sa showbiz si Maine ay pinanonood na niya ang MYX at hindi nito ikinakaila na nangarap siyang makapag-guest DJ sa  nasabing music channel.  

Natupad ito ten years later.

Si Maine ay hindi contract star ng GMA kundi ng Triple A Management kaya puwede siyang mag-guest sa mga programa ng ABS-CBN liban lamang sa “It’s Showtime” dahil direkta itong katapat ng “Eat Bulaga” kung saan siya mainstay.

Maine turned 25 last March 3 at ito’y kanyang sini-celebrate sa El Nido, Palawan kasama ang kanyang boyfriend of more than one year, ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde.