Maine, pasabog ang raket sa NY!

February 06, 2019
Maine Mendoza

IKINAKASA na ang unang pasabog ni Maine Mendoza ngayong Year of the Pig.

Pero sa totoo lang, bale part two ang gagawin niyang project dahil inilunsad na ito last year.

Lumipad si Maine papuntang New York City nu’ng gabi ng February 5.

Wala man siyang pabida sa biyahe sa kanyang social media account, naispatan naman siya ng ilang supporters niya sa airport at ’yung post ng mga kasama niya, eh, lumabas sa Twitter.

Ang ispekulasyon ng fans, sa MAC ang punta ni Meng. Eh, nang magpadala ang thank you card ang MACPH sa manager ng phenomenal star na si Rams David, may padaplis siyang may bagong ganap si Meng sa MAC.

Of course, lipstick shade ang collaboraton ng MAC at ni Maine.

Tila nalula ang global brand sa dami ng bumili ng lipstick shade niya kaya malaki ang posibilidad na may bagong sanib-puwersa na namang mangyayari kay Meng at sa MAC, huh!