Maja kinain ang sinabi

March 21, 2019
Maja Salvador
Maja Salvador

BINAWI ni Maja Salvador ang sinabi niya noon na never siyang nakikipagbalikan sa kanyang naging ex-boyfriend matapos makipagbalikan sa naging kasintahan niya 10 years ago, ang non-showbiz guy na si Rambo Nuñez.

Magmula nang maging open muli ang kanilang relasyon na nagsimula nung nakaraang Valentine’s Day, madalas nang makitang magkasama sina Maja at Rambo sa ilang showbiz functions at sa pamamasyal, either sila lamang dalawa or in the company of other friends.

Kamakailan lamang ay namataan ang dalawa na nagi-enjoy sa kanilang bakasyon sa isang luxurious resort in Palawan, ang Amanpulo na dinarayo ng international tourists including Hollywood personalities.  

Bukod kay Maja, si Rambo ay na-link din noon sa girlfriend ngayon ni Derek Ramsay na si Joanne Villablanca maging ang Fil-Am international model na si Kelsey Merritt, ang kauna-unahang Filipina na napasama sa 2018 Victoria’s Secret fashion event in New York at naka-base na sa Big Apple para ipagpatuloy ang pagiging international fashion model.