Maja matapos itanggi, mapapatunayang kamag-anak si Janella

July 02, 2019
Maja Salvador at Janella Salvador
Maja Salvador at Janella Salvador

SA kauna-unahang pagkakataon ay magkakatrabaho sa isang kakaibang serye sina Maja Salvador at Janella Salvador who are actually relatives.

Si Maja ay anak ng yumaong actor na si Ross Rival (Rosauro Reyes Salvador in real life), kapatid nina Phillip Salvador, Ramon Salvador, Jumbo Salvador,  the late Leroy Salvador, Mina Aragon, Alona Alegre, Tess Salvador, Lou Salvador, Jr. at marami pang iba.  Kaya pamangkin si Maja ng veteran actor na si Phillip Salvador at mga kapatid nito.   On the other hand, lumalabas na pamangkin ni Maja si Janella dahil ang biological father ni Janella, ang singer-musician na si Juan Miguel Salvador ay apo ng kapatid ni Lou Salvador, Sr. na si Pedro Salvador.  Lumalabas na pamangkin sa pinsan ni Phillip at ng iba niyang mga kapatid si Juan Miguel at apo naman nila sa pinsan si Janella kaya magtiyahin sila ni Maja.

There was an earlier interview kay Maja na sinabi umano nitong hindi sila magkamag-anak ni Janella kahit magkapareho ang kanilang  apelyido.

Either magkamag-anak o hindi, honored si Janella na makatrabaho si Maja sa isang drama series na pinamagatang “The Killer Bride” na pangungunahan mismo ni Maja as Camilla na siyang gaganap as “The Killer Bride,” Janella as Emma na mapu-possess ng kaluluwa ni Camilla, Geoff Eigenmann as Vito, ang love interest ni Camilla at si Joshua Garcia na siya namang gaganap sa papel na Elias.  First time din nina Joshua at Janella na magkakasama sa isang TV project.  Ang nasabing serye ay pamamahalaan ni Dado Lumibao at nakatakdang ipalabas sa buwan ng Agosto.

Ang upcoming TV series ng ABS-CBN na “The Killer Bride” ay tatampukan din ng nagbabalik sa telebisyon na si Pepe Herrera, ang nagbabalik-showbiz na si Aurora Sevilla, Eddie Gutierrez, ang dating beauty queen-turned TV host-actress na si Ara Arida, James Blanco, Sam Concepcion, Cris Villanueva, Eric Nicolas at Neil Coleta.