Male TV host nasira sa komedyante

March 01, 2020

NAG-IMBESTIGA ang male TV host tungkol sa source ng blind item report na hindi niya binayaran agad ang talent fee ng comedian na ipinag-produce niya ng major concert noong nakaraang taon.

Diumano, nang araw na babayaran na sana ang comedian ng talent fee, limang oras siyang pinaghintay para lang makuha ang pera na kanyang pinagpaguran.

Hindi na dapat mag-imbestiga ang male TV host para hindi ito mahirapan dahil siya mismo ang source ng lumabas na blind item na hindi niya ikinatuwa.

Kung naging maganda ang trato ng male TV host sa comedian, hindi kakalat ang pang-aagrabyado niya at hindi masisira ang malinis na image na kanyang pinaka-iingatan.

Masuwerte pa rin ang  male TV host dahil hindi siya pinapangalanan dahil kapag nangyari ito, hindi nakapagtataka na lumantad ang ibang mga tao na pinagkakautangan niya ng pera.