Mamasapano movie gagawin sa gitna ng pandemya

July 28, 2020

SIMULA sa buwan ng Agosto ay magsisimula na ang filming ng debut film production ng Borracho Productions na pinamumunuan ng A-1 but controversial lawyer, singer and movie critic na si Atty. Ferdie Topacio, ang true-to-life movie na “Mamasapano” na pamamahalaan ni Law Fajardo mula sa panulat ng Palanca award-winning writer na si Eric Ramos.  Ang nasabing pelikula ay tatampukan nina Edu Manzano, JC de Vera, Aljur Abrenica, Claudine Barreto, Ritz Azul, Myrtle Sarrosa, Allan Paule, Jojo Alejar at iba pa.

Ayon sa line producer na si Dennis Evangelista, lahat  umano ng safety and health protocols ay susundin nila at kasama na rito ang rapid test before and after ng lahat ng involved sa production at pagdi-disinfect sa mga lugar kung saan sila magi-stay  at mga  gamit para safe ang lahat.

Shooting will be held in two locations in Cavite at Batangas at naka-lock in umano sila roon ng halos isang buwan.

The movie was originally intended for the Metro Manila Film Festival pero dahil sa lockdown at quarantine, hindi na umano sila aabot sa deadline set by the MMFF executive committee kaya malamang na ito’y maipalabas na after the filmfest.

Ayon naman kay Atty. Topacio na siyang tumatayong legal counsel ng 44 SAF families, sobra umano siyang na-attach sa kuwento ng mga biktima kaya niya naisipang mag-produce ng pelikula para malaman ng publiko ang totoong kuwento  ng pagkasawi ng SAF 44 nung January 15, 2015 sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.