Manok at brown rice, trip ni Mikael sa quarantine

April 24, 2020
Megan Young and Mikael Daez

UNA ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young sa mga artistang nagpahatid ng financial help sa buong production team ng primetime series ng GMA-7 na Love of My Life  kung saan, isa si Mikael sa major cast.

Apektado ang buong production team ng primetime series dahil sa ipinatutupad na enchanced community quarantine, tigil ang taping ng lahat ng shows ng GMA-7 at ibig sabihin, walang trabaho at walang kita ang buong team.

Kaya hindi nagdalawang-isip si Mikael na tulungan ang mga katrabaho at sa tulong ng asawang si Megan, nagpadala sila ng financial help at relief goods sa staff.

Sa video na in-upload ng member ng production team na si Michele Borja, mapapanood ang pasasalamat ng lahat ng staff na nabigyan ng tulong nina Mikael at Megan.

Mula sa production staff, technical staff, post-production team, location manager, talent coordinator, crowd control, catering, wardrobe, make-up at pati portalet boys, pinadalhan din ng tulong.

Special mention lagi ng mga nagpasalamat na production team si Megan dahil kahit wala siya sa cast ng Love of My Life, tumulong pa rin siya.

Kapag nag-resume na ang taping ng teleserye saka mapapasalamatan nang personal si Mikael ng mga natulungan nila ni Megan.

Samantala,  sa online interview kay Mikael, sinagot niya ang mga itinanong sa kanya, gaya ng anong health regimens ang pinapraktis niya while on quarantine?

“Simple lang naman. We wash our hands every time we do anything  especially pag lumalabas kami ng condo. Pero bihira lang naman kami lumalabas. Tapos literal na labas  tapos balik agad pagkatapos ko gawin yung kailangan ko. While I’m out, nagdadala ako ng face mask mandatory yan. Naghuhugas ako ng kamay, may dala akong alcohol, and iwas sa paghawak sa mukha, sa ibang tao at gamit. So far, yun ang nababasa ko at ginagawa ko at ni Megan para mas maging hygienic during this time.”

How did you prepare yourself for the quarantine?

“Dahil ayaw namin mag-contribute sa panic buying effect, bumili lang kami ng sa tingin namin ay sapat para sa amin. Ako chicken and brown rice lang ang kinakain ko everyday. Simple lang ang sa akin.”

What’s your message to our frontliners?

“Siyempre nagpapasalamat ako sa mga frontliner natin. Marami rin akong kakilala na mga pinsan, kaibigan, tito, titan a frontliners at the moment. At nakakatakot ang sitwasyon nila. Ang laki ng tulong nila sa crisis na ito. Kailangan na alagaan at tulungan natin sila sa kahit na anong paraan na maibibigay natin. So, thank you so much to our frontliners. We will continue to support you and we hope we can get through this crisis at the soonest possible time.”