Mapangahas pero malinis

March 04, 2020
Marco Gumabao & Lovi Poe

MAPANGAHAS ang love scene nina Lovi Poe at Marco Gumabao sa Hindi Tayo Pwede, ang pelikula ng Viva Films na nagbukas kahapon sa 195 cinemas nationwide.

Si Joel Lamangan ang direktor ng pelikula kaya disente sa paningin ang nagbabaga sa init na lovemaking scene nina Lovi at Marco.

At kahit hubad ang dalawa, walang maselan na bahagi ng kanilang mga katawan ang nasilip ng mga dumalo sa premiere night ng pelikula noong Martes sa SM Megamall Cinema.

Tungkol sa wagas na pagmamahal ng isang babae sa kanyang namatay na fiancé ang kuwento ng Hindi Tayo Pwede at malaking tulong na ginamit sa mga eksena ang old hit song ni Nonoy Zuniga na I’ll Never Say Goodbye kaya tiyak na makaka-relate ang moviegoers sa pelikula na pinagbibidahan nina Lovi, Marco at Tony Labrusca.