Marcelito next 'AGT' champ?

February 05, 2020
Marcelito Pomoy
Marcelito Pomoy

UMAASA ang mga Filipino na si Marcelito Pomoy ang makakapag-uwi ng grand prize sa “America’s Got Talent: The Champions” kung saan pasok na siya sa grand finals.

Maganda ang chance ni Marcelito na maiuwi ang premyo dahil consistent siya sa pagiging crowd favorite gayundin ng apat na mga hurado na sina Howie Mandel, Alesha Dixon, Heidi Klum at Simon Cowell.

Si Marcelito ang grand winner  ng “Pinoy’s Got Talent” competition season 2 in 2011.  In 2018 ay naging special  guest siya sa widely-known American show na “The Ellen DeGeneres Show” matapos siyang mapanood sa YouTube ng popular American host.  

Muling kinanta ni Marcelito ang “The Prayer” nina Andrea Bocelli at Celine Dion in his split voice sa programa at binigyan siya ng standing ovation hindi lamang ni Ellen kundi maging ng studio audience. Af if these were not enough, Marcelito and companion were provided tickets to Las Vegas, Nevada where he had a chance na makita in person ang kanyang idolong si Celine Dion at mapanood ito sa kanyang show sa The Colosseum at Caesar’s Palace.

Ang pagkakapanalo ni Marcelito sa 2nd season ng Pinoy’s Got Talent and his special guest appearance sa “The Ellen DeGeneres” show ang naging dahilan ng kanyang pagkakasali sa “America’s Got Talent: The Champions.”

Si Marcelito ay ikinasal nung September 21, 2014 kay Joan Paraiso ng Calauag, Quezon at meron na silang anak na babae, si Marcella Janiah.

Samantala, naniniwala si Simon Cowell na malayo ang mararating ni Marcelito with his exceptional talent na kayang gawin ang boses ng isang lalaki (tenor) at boses ng isang babae (soprano).