Marco, ‘taken’ ang mga crush

February 24, 2019
Marco Gumabao

May ilang reporter pa palang hindi alam na si Dennis Roldan ang ama ng aktor na si Marco Gumabao.

Sa presscon ng Viva Films movie na Ulan, nabanggit ni Marco na gusto niyang sundan ang showbiz path ng kanyang ama.

May nagtanong kung sino ang ama ng aktor at magalang naman itong sinagot ng batang aktor na si Dennis Roldan.

Hindi lang kami sure kung kilala ng reporter si Dennis.

Anyway, natuwa kami kay Marco dahil okay lang sa kanya kung wala ang picture niya sa poster ng Ulan at litrato lang nina Carlo Aquino at Nadine Lustre ang ginamit.

May pangalan naman siya at maganda ang role sa movie na showing sa March 13.

Sabi niya, short role lang ang ginampanan niya as Maya’s (Nadine’s) ex-boyfriend.

Ang mahalaga kay Marco, nagampanan niya nang tama ang karakter ni Andrew at masaya siya to be working with Nadine and Carlo kahit wala silang eksenang magkasama at makatrabaho si Direk Irene Villamor.

Hindi pa man naipapalabas ang Ulan dahil March 13, pa ang playdate, may next movie na si Marco kasama uli si Anne Curtis at first time niya to work with Edu Manzano sa Just A Stranger sa ilalim ng Viva Films pa rin.

“Single” ang status ni Marco ngayon. Wala raw siyang ka-date last Valentine’s Day dahil he was working.

Crush daw niya sina Solenn Heussaff at Anne, na parehong may asawa na.     Wala raw siyang maisip na ibang crush na hindi pa taken.