Marian at Dingdong, tamis-tamisan ang quarantine date

May 21, 2020
Marian Rivera &  Dingdong Dantes

NAGKAROON ng pagkakataong mag-date ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes habang naka-quarantine nang ipagluto at ipaghanda ng Kapuso primetime queen ang mister ng isang Spanish-inspired dinner.

Si Marian talaga ang naghanda ng kanilang pinagsaluhan at kumpleto pa ito ng wine at sosyal na table setting.

Sa Instagram post ng aktres, aniya, “Day off muna si nanay! Date muna with Mi Amor, quality time kahit nasa bahay lang. Made a simple yet special invitation para sa Spanish themed date namin with food cooked by yours truly! Naks tamis tamisan…”

In-upload din ni Marian ang putaheng niluto para kay Dingdong at ito’y kinabibilangan ng Pulpo a ala Allega, Chorizo and Manchego Croquetas at Gambas Al Ajillo. Siyempre, nagsalo rin sila sa sosyal na cheese platter at pastry bilang dessert.

Ngayong Huwebes, ang pagluluto at paghahanda naman ng Arroz ala Cubana with boiled egg na ipakakain sa mga sundalo sa mga checkpoints sa Lingayen, Pangasinan at Pasay City ang pinagkaabalahan ni Marian.

Pinasalamatan niya si Dingdong na bilang military reservist ay siya mismong nag-distribute ng food ayuda sa mga kasundaluan sa Pasay.