Marian, direktor at yaya ni Zia sa TVC

January 14, 2019
Marian Rivera & Zia Dantes

Nakatanggap kami ng invitation sa launching ng Nido 3+ this week na ang endorsers ay ang mag-inang Marian Rivera at Zia Dantes. Pero na- launch na ang TVC ng Nido last January 13 at maganda ang feedback ng televiewers.  

Hopefully, nasa launching si Zia at ito ang kanyang first launching/presscon.

Dahil hindi takot sa tao ang bagets, tiyak na sasagot sa mga tanong ng press na siguro naman ay child-friendly questions.

Pinost ni Marian ang ilang photos na kuha sa TVC ng Nido 3+ na binuking ng taga-Triple A na si Marian ang director at yaya ni Zia sa TVC shoot.

Kaya ’yung comment na natural umarte si Zia, comfortable sa harap ng camera, si Marian dapat ang i-congratulate.

Nakakatuwa pala ang kwento ni Dingdong Dantes kay Zia na excited na rin sa pagdating ng baby brother niya at pati crib nito at hihigaan ay tumutulong sa pag-aayos ang bagets.

Sa summer daw manganganak si Marian at tantiya ni Dingdong, baka middle of next year na muling gumawa ng teleserye ang asawa dahil aalagaan muna nila ang kanilang baby boy.