Maricris “answered prayer” ang pagbubuntis

August 14, 2020
Maricris Garcia

EXCITED ang first-time mom na si Maricris Garcia sa pagdating ng kanilang unang baby ng non-showbiz husband na si TJ Cruz. 

Tatlong taon matapos ikasal ang dalawa, matutupad na ang pangarap ni Maricris na maging isang ina. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng Kapuso singer ang labis na pagkatuwa nang maramdaman ang anak sa sinapupunan, “Ikot siya ng ikot. Malikot. Nakaka-iyak. Nakakatuwa. I love you!”

Kuwento pa niya, ‘answered prayer’ ang baby nila ni TJ na kanilang hiniling daw noong Pebrero sa travel nila sa Taiwan. 

Samantala, nakipag-bonding si Maricris at kapwa first-time mommy na si Aicelle Santos kasama ang Mars Pa More hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa fresh episode ng programa noong Miyerkules.