Mark may big surprise kasama ang GF na si Nicole

August 26, 2020
Mark Herras

ISANG masayang salon-at-home experience ang ipinasilip ng actor na si Mark Herras sa bago niyang vlog kung saan ipinakita niya ang naging hair transformation.

Sa video, ibinahagi ni Mark ang kaniyang hair-do kahit na naka-quarantine sa tulong ng kanyang stylist. Dito rin ay inanunsyo na may ibubunyag silang sorpresa ng fiance na si Nicole Donesa soon, "Mayroon kaming malaking sorpresa, malaking sorpresa na ipapakita sa inyo ni Ico… So please abangan n'yo po 'yon after this vlog."